Monday, December 20

Dec. 20 Mon.
"Think happy thoughts..
Happy thoughts..
Just..just..
Think..
Happy..
Happy thoughts..
..and you'll be fine..
everything..
will be fine." -Me

...











...

Its hard to think coherently when your blood is boiling.

Simmering..

Scalding the inner walls of every vein..



























Minsan lang ako magalit.

Pero kung ako nagalit..

Impyerno't langit ang katapat mo.

...




















...












"Gusto daw niya pumunta kayo doon. Kahit two overnight lang.."


















Patlang.






















"Dad, may plate pa ako na gagawin at site development plan..

at contrary sa katalinuhan na suggestion ni tita Connie, hindi ko yun kayang tapusin in two days.

Papalakpakan ko sha kung kaya nya yun in two days."















Palakpak.









Patlang.















"Celine, ikaw?"

"Umupo ka nga nang maayos, huwag kang nakahiga diyan na parang wala lang itong pinag-uusapan natin.."












Patlang.











Patlang.

















Patlang.



































"Ayoko."

...
















...











Katahimikan.








Buntong-hininga.










"Bakit ayaw mo?"

"Meron akong limang projects due on January 3."

"Lima?"

"Yes."













Uga ng upuan.









"See dad? Hindi po naming kayang pumunta doon..

mashadong maraming trabaho po kaming dalawa..

and besides..








Mas gugustuhin namin dito lang."

...








Kalabit ng orasan.










"Kids..kailangan kayong pumunta.

Kahit anong gawin niyo, kamag-anak nyo pa rin sila.

Sisisihin tayo nila kapag may nangyari sa lola ninyo within the year, tapos hindi man lang kayo dumalo."










Tunog ng pagpikit ng mata.










"Dad, hindi na nga nya ako maalala eh!

Wala siyang kilalang Anton!

At nag-aagawan lang naman sila sa mana ni lola eh."







Tahimik na pagtawa.








"kahit na..

im taking the initative to keep our connections open..

kahit na ba..

ganun ang nangyari sa atin..

kadugo pa rin natin sila.

Kailangan kayong magpakita doon. Kailangan."











Patlang.









Lunok.











"Basta heto ang rules ko.

Kaya ko lang ang 8,000 pesos."









Kagat ng labi.









"Kahit na gipit tayo sa pera..

Since kakabayad ko pa lang ng tuition ni Celine,

At kakabayad ng tutorials ni Anton..

Kailangan talaga.

Ang kaya ko lang ay either:

One: kalahati ng bayad for both of you, tapos sila na magbabayad ng kalahati..pero hinding hindi ako papayag na mag-C130 kayo. Kahit na mas mura yun, mashadong delikado.

Or Two: isang roundtrip sa ISA sa inyo.

Siyempre si Anton, kasi girl si Celine..at hindi ako komportable na mag-isa lang siya.."














Pagdurog ng ngipin.








Tahimik na paggaragal sa loob ng lalamunan:

"Im one half girl."









Patlang.












...



Katahimikan.










"O..anong say nyo?

Gusto na nila kayo makita..

At miss na miss na daw niya kayo."







Patlang.










"Pera lang ang gusto niya."

"Anton, huwag kang ganyan.

Mahal niya kayo.

Kaya sige na..

Pumunta na kayo."


















Patlang.








Buntong hininga.







"Okay.

Walang choice eh."















Patlang.













"O, Celine..

anong say mo?"










Patlang.








Patlang.







Patlang.











Mahinang pag-iyak ng isang bata:


"Bumalik ka na..

bumalik ka na, please?

Gagawin ko lahat..

I'll be anything you want me to be..

Do anything you want me to do..

Basta bumalik ka na..

Please..

Please..?

Sige na, please..

Hindi na ko iiyak..

Magpapakabait na ko..

Sige na..

Maawa ka na..

P-please..?

M..

Ma..

Mmhh.."
















Patlang.












Paggitgit ng ngipin.











Pagkulo ng dugo.












Paghiwa ng kuko sa palad.


















Pagpikit ng mata.











Nanginginig na bulong:

"Ayoko."



...






"Ano ba?!

Bakit ayaw mo??"













Patlang.







"Wala lang.."

"Anong wala lang?!

Hindi pwede ang wala lang!"












Basang tunog ng pagsalpak ng pilik-mata sa mga luha.











"Okay fine.."











Pagpunit ng mga tuyong labi sa isang nanginginig na ngiti.











"Basta..

basta wag nyo lang ako ididikit kay Anjo!

Sobrang wirdo na nya, eh!"









Basag na pagtawa.









"Totoo bang may relasyon sha sa unan nya?!"

"Oo kaya! Sobrang creepy!"








Pagkamatay ng tawa.









"Okay then.

Its arranged."










Patlang.







Patlang.







Patlang.









Pagpindot ng mga butones sa celphone.



Tunog ng pagtakas.






...
























...

dahan-dahan akong tumayo sa pagkalambot-lambot na sofa, kinuha ang aking kumot at unan, at pumasok sa aking kwarto.

Walang tunog kong isinara ang aking pinto at pinindot ang lock.

CHINK!

Inilapag ko ang aking mga gamit sa kama.





















Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo lang doon..sa gitna ng aking silid..nakatulala sa kawalan.

















...

Ganun na ba ako ka-cheap?

Isang tawagan lang galing sa babaeng yun..

Isang:

"I miss them, Max! I want them here with me and their lola Ceny!

Sige na, everybody misses them..

May pera ka naman eh..

Kaya naman nilang gawin yang projects nila in two days eh!"

















Ahahaha.


















Oo, bata, ganun ka ka-cheap.

Chipangga galore.

Wala kang sing-cheap.

Aba..

Um-oo ka naman sa kachipan na yun!


















Hindi ka tao, eh.

Hindi.

Ang tao, umiiyak kapag ganto ang nangyari sa buhay nya.

Ang tao nagdadabog.

Ang tao nagwawala.

Ang tao sinasampal ang mga katulad nya.

Ang tao hindi umo-oo sa mga taktikong bulok ng putang yon!
















Pano ba yan?

Ano ka?

Ano ka na ngayon?

Ano ka bang talaga?

Isa kang malaking bato.

Isang kumikislap na bato.

Isa kang malaking piraso ng maduming papel na may mukha ni Ninoy.

Isa kang roundtrip tiket sa ibat-ibang lugar sa malaking bilog na batong kinatatayuan mo.

Isa kang nakatiklop na lalagyang yari sa pinagtagpi-tagping balat ng mga hayop.

Ampuga.

Iba ka nga talaga.



















Palakpakan natin ang batang bato na nagpapanggap tao.

Palakpakan.

Pwede..

Pwede nang pang star search.

I-career mo, day.

My future ka ngang talaga.

...















...

sinilayan kong muli ang pinagkaitang pagmumukha niya.





Gods, I hate you..


















I hate you.



















I hate..










I HATE..













I HATE YOU.



















...

Naramdaman ko ang lamig ng cellphone na hawak ko sa aking mga kamay.

Hindi ko narinig ang kalampag nang walang-malay ko itong nahulog sa sahig.













Hinga..hinga..














Sumandal ako sa pader ng aking silid, nakakapit sa hawakan ng pintuan ng banyo.

Sa paghinga lang yan..hinga lang..














Naramdaman kong mapunit ang aking mga tuyong labi sa pagngiti.

Pagtawa..

Pagtikim ng maalat na tubig.

Tawa pa.













Hinampas ko ang likod ng ulo ko sa kaputian ng pader sa likod ko.

Wala.

Hinampas ko ulit hanggang nakasilay ako ng mga maririkit na bituin..

Hanggang mawalan ako ng pandinig..

Hanggang mawala na ang mga masasakit na isipan sa utak ko..sa puso ko..












Binubulungan ko ang aking sarili..

Na tila binubulungan ang isang batang nasa bingit ng hukay..








"“Think happy thoughts..

Happy thoughts..

Just..just..

Think..

Happy..

Happy thoughts..

..and youll be fine..

everything..

will be fine.






Think of..

Of mentos grape..

Ketchup fries..

Of orion's belt..

Silver crosses..

Burnt roses..

Warm hands..

Les' hands..

Ate sop's hands..

Giselle's smile..

Maika's laugh..

Inna's giggle..

Butch's eyes..

Nica's hair..

Anne's antics..

Andy's nerds..

Of candy Nerds..

Strawberry and grape..

Strawberry lime flavored lollipops..

Shiny blades..

Beija's hugs..

Cams and bea's laughter..

Domeng's smile..



Yes..

Yes, think of those..


Haha..hahaha..


Think!

Think of..

Of..

Soft pillows..

Erotic poems..

Pigtails..

Mike's porn poses..

Jantofeb..

Les' boots..

Think of xmen evo..

Think of wanda..

Of rogue..

Of X23!

Think of phoenix..

Of borris..

Think of kate's soft caresses,

Aleli's marble skin..

Think of Sop's candy-scented hair,

Te mars' FHM pic,

Te loren's hug..

Think of sunsets and breezes,

Stars and rainbows..

Think of peach flavored kisses

And..

and..

..and.."







Sa wakas.

Natahimik na rin.

Napaupo sa sahig at naantok.






...













...

Hindi ba..

Dapat matuto na akong pagbigyan ang mga nagkakasala sa akin..?

Diba?

Dapat.














Kaya ko.

Kaya ko siyang pagbigyan..

Kahit mahirap, kahit mapait, kahit ni isang beses hindi pa niya nagawang mag-sorry..gagawin ko.

Kahit nga mamamatay-tao ko, kaya kong pagbigyan.

Pero..



















Hindi..

Hindi ko kayang pagbigyan ang taong paulit-ulit-ulit akong pinapatay..

Bawat taon..

Bawat bakasyon..

Bawat holiday..











Ha.

Hahahaha..

Isa lang masasabi ko, ang dakilang kumikslap na batang bato.












































Feliz Navidad, mi madre.

...