Saturday, June 26

Jun. 26 Sat.
"I've nowhere else to go
but I cannot stay where I don't belong..." -Exodus, Evanescence

...

Ako dapat.

Ako dapat yung nasa yakap niya.

Ako.

...

Pero sino naman ako? ANO naman ako? Para hawakan siya...

Wala.

...

Nagpaka-close friend na lang ako. Hanggang dun na lang naman, diba?

Ang saya niya...grabe...

Napatulala ako.

...

Siguro...siguro kung sana napasaya ko siya katulad ng manliligtas niya,
kung sana nandun ako para sa kanya nung nagdurusa siya,
kung hindi sana ako nagpaka-duwag,
kung mas maganda lang sana ako - mas matalino, mas malakas, mas nakakatawa, mas optimistic, siguro...

Siguro...

...

Nako, babaeng ahas...umasa ka pa.

...





...

Tumahimik ka na lang, at ngumiti...

Magaling ka nanaman dun, diba?