Tuesday, April 6

Apr. 6 Tues.
"Angdaya talaga...angdaya..." -me

Ayoko talagang umiyak. Ayoko. Pakiramdam ko, mahina ako. Walang kwenta. At isa pa, pagtapos kong umiyak, nanghihina ako. Seryoso. Lagi akong nagkakasakit pagtapos kong lumuha. Kaya ko tinigilan ang pag-iyak. Dati pa yon.

Hanggang ngayon.

Ang aga-aga pa, pinatay na ako ng pamilya ko. Nawalan na ako ng pag-asa, ni hindi pa sumisikat ang araw. Ano ba yan, Panginoon...heto nanaman ako. Gilitin Mo na nga lang ang lalamunan ko. Tagain Mo na lang ang puso ko. Kahit ano, basta patigilin Mo na ang walang katuturang pagdurusa ko.

Kinantahan ako. Wala akong masabi. Kung sino man ang kayang gawing salita ang mga naramdaman ko noong mga sandaling iyon, hindi ka tao. Sobra-sobra ang kasiyahan. Ngunit hindi ako makatawa. Masyadong mababaw ang mga tawa para sa kasiyahan ko. Napangiti na lamang ako. Ang hirap. Kasi nabasag nanaman ang lecheng puso ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Gusto kong pasabugin ang sarili ko. Nanginginig ang bibig ko. Sumasakit ang ulo. Sumisikip ang lalamunan na parang may bola ng kumpol-kumpol na dugo na hindi ko malunok. Kinagat ko na lamang ang labi ko. Pinikit ang mga nagbabagang mata.

Hayun.

Nagsituluan ang mga luha.

Ang unang mga sinag ng araw sa Silangan ay tumama sa mga luha ng sinumpang bata.

Bagong araw nanaman.

*Pangalawang beses na 'to...pangalawang beses...hindi pa rin napa saakin.*

*Angdaya talaga...angdaya...*

Wala akong ibang ginawa kundi ang lumuha. Wala na akong ibang magawa. Hindi ko masaktan ang sarili, hindi ko mapatulog ang sarili, walang pwedeng sisihin...naiwan akong kasama ang mga memorya ko. Kasama ng walang-hiya kong alter ego. Kasama ni Tadhana. Kasama ng aking sarili. Mag-isa muli. Naliligaw sa kawalan ng aking isipan.

Sumalpak ako sa pader ng kwarto ko. Hindi masakit. Nawalan lang ako ng hininga nang ilang sandali. Kumapit ako sa sarili ko. Grabe. Parang Twilight Zone. Angdami kong narinig...mga salita't kanta. Bawat isa, may sariling storya. Bawa't isa may lamang luha't dugo. Bawa't isa may sari-sariling lasa. Mapait na matamis. Bon apetit.

"Your pathetic nature never ceases to amaze me...and the fact that I've been with you for 15 years...that's saying something."

"Yang kapatid ko? Hay, nako, don't worry. Duwag yan, di nya kayang magsumbong."

"Oh my God...she's your SISTER?! No way! Ahahaha, that's a good one!"

"Ang payat-payat mo na nga, ang hina-hina mo pa!"

"You're like the big sister I never had..."

"Oh, great. What a way to end my week..."

"I love you, my girl. I miss you."

"Si Estrada? Nerd yan!"

"This is Celine...no, not really. She's just a...classmate of mine back in AA."

"Hay nako, nagpapa-epek nanaman si Celine."

"What a pathetic story!"

"It's all her fault!!!"

"I'm sorry, do I know you? I don't believe I've met you before..."

"What will you do now, CursedChild?"

"A frozen heart cannot beat for a forgotten love...how much more for a love that can never be?"

"I'd rather suffer and die with the memory of you..."

"I can't exactly love you the same way you love me..."

"What matters is here and now, and here and now, I love you."



"And I'd give up forever to touch you..."

"God must have spent a little more time on you..."

"Look at me, my depth perception must be off again..."

"Thank God I found you, I was lost without you..."

"Crazy...Crazy for loving you..."

"You're a little late...I'm already torn...torn..."

"Close your eyes, give me your hand...do you feel my heart beating? Do you feel the same, or am I only dreaming?"

"It never was, and never will be...You're not real and you can't save me."

"These wounds won't seem to heal, this pain is just too real, there's just too much that time cannot erase..."

"Am I too lost to be saved? Am I too lost?"

"If you need to crash, then crash and burn you're not alone..."

"Suddenly the world seems such a perfet place...suddenly my life doesn't seem such a waste..."

"Jelous of the one who finally found you..."

"Bumubuhos ang ulan sa iyong mga mata..."

"Let me rest in pieces, let me rest in pieces..."

"You're the closest to heaven that I'll ever be, and I don't wanna go home right now..."

"I would stay awake, just to hear you breathing..."

"Sa lilim ng Iyong mga pakpak..."

"Will I be denied Christ, tourniquet, my suicide?"

Pero sa aking pagdurusa, gusto ko sanang tulungan ang ibang taong nagdurusa rin...Kaya lang, naalala ko kung anong mangyayari kung masyado akong napamahal...

Hindi ko nakayanan. Gusto kong sumigaw. Sumigaw nang sobrang lakas. Gusto kong sumabog ang mga bintana at gumiba ang mga pader. Gusto kong kumulog at kumidlat, at bumuhos ang ulan. Gusto kong bumuka ang lupa at lamunin ako. Gusto kong umihip ang napakalakas na hangin. Gusto kong lumindol. Gusto kong ibuhol-buhol ang sarili ko. Gusto kong dukutin ang puso ko at durugin ito. Gusto kong patayin ang mga nagpahirap at pumatay saakin. Gusto kong ma-sense ako ng mga kaibigan ko. Gusto kong dumating si Pain at yakapin ako. Gusto kong dumating si Death, kung saan makakatulog ako sa kanyang bisig.

Angdami kong gusto.

Pero ang talagang gusto ko noong mga sandaling iyon...

Gusto ko sana, may kasama ako. Hindi niya kailangang magsalita. Basta anjan lang siya.

Yun lang po.

Pero lahat ng gusto ko...di nabibigay sakin, diba?

Laging sa iba.

Angdaya talaga, noh?

...

Uy, pero...

Tinext ako buong araw ni Ate Sop.

Nakipag-chat sa akin sina Beija at Nica.

Tinext ako ni Giselle.

Umihip ang hangin habang nagdadasal ako.

Mga maliliit na bagay...sobrang simple, diba?

Niligtas ako. Pinasaya ako.

Binuhay akong muli.

*Hindi ako susuko, Panginoon...basta't wag Mo akong bibitawan.*