Thursday, March 11
Mar. 11 Thursday
"HAHAHAHAHA!!! SEE?! You truly ARE pathetic, cursed child!" -The Other
WARNING: If you are happy and want to STAY happy, DO NOT READ THIS ENTRY. I MEAN IT.
It's official.
Totoo na talaga 'to.
Tama nga ang sinabi nang dati kong bestfriend na pumatay sa 'kin...
Wala akong kaligayahaan sa mundo. Wala.
Tama pala ang mamamatay-tao.
Nakita ko silang nagtatawanan. Nakita ko silang nagkakanchawan. Nakita ko silang nagbubulungan. Nakita ko silang nakwekwentuhan. Nakita ko silang masaya.
Nainggit ako.
Nalungkot ako.
Ngunit...
Napatawa ako.
Sobrang lakas.
Feel na feel ko ang tawa ko.
Halakhak.
Na may kasamang luha.
Kasi...
Namamatay nanaman ako.
Kaya ayaw sa 'kin nang mga tao, eh. Masyado akong sensitibo at negatibo. Masyadong seryoso. Masyadong magmahal. Masyadong...
Nakakaawa. Kaawa-awa. Pathetic.
Bakit kung masaya ang mga tao, malungkot ako? Diba dapat maging masaya ako para sa kanila? Kahit na lahat ng mga biyayang hiniling ko sa Diyos sa kanila napunta, dapat maging masaya pa rin ako. Dahil masaya sila.
Ganun dapat.
Nakakatawa.
Sa kadami-daming mga taong minahal ko nang lubusan, walang natira. May isang nagpakamatay, may isang nagka-amnesia, ang iba ay kinalimutan ako, at ang mga natitira ay nagsisising nakilala ako. Nagsisising minahal ako.
Nagsisi.
Talagang nakakatawa.
Eh, ako naman, di mapigilan ang sarili. Nagmahal nanaman.
Namatay nanaman.
Nawala ko na siya bago ko pa siya nakuha.
Angsaya-saya niya. Sobra. Di ko ma-take.
Tunganga lang ako sa isang tabi. Mas masaya kasi siya kung wala ako...
Masaya ako para sa kanya. Para sa kanila. Sa kanilang lahat.
Kahit unti-unti akong namamatay sa isang sulok...
Ok lang. Wag na lang akong magpahalata.
Baka mahawaan ko pa sila nang negatibong enerhiya ko.
Lulunukin ko na lang ang mga luha't dugo.
Ganito naman ako kahit dati pa.
Sanayan na lang.
Nakakatawa, noh?
Hahahahahahaha.