Saturday, March 13

Mar. 13 Sat.
"So...NOW does it hurt?" -The Other

2ND WARNING: If you are happy and want to STAY happy, DO NOT READ THIS ENTRY. I MEAN IT.

Masyado siyang masaya.

Masyado.

Palagi silang magkasama.
At ako naman, laging nakatunganga.

Masakit.
Ngunit tumawa na lang ako.

Dati, malungkot siya. Naliligaw. Nasaktan nang lubusan. Nagdurusa nang walang dahilan. Nagkukunwari. Nagtatago sa mundo...

Kagaya ko.

Nais ko sanang iligtas siya. Damputin siya galing sa space kung saan palutang-lutang lang siya. Hilain siya palayo sa bangin. Sagipin siya sa pagkakalunod. Pagalingin ang mga sugat niya. Iangat siya mula sa kanyang pagdurusa.

Nais ko siyang mahanap.

Kaya lang...

Nahanap na pala siya nang iba.

At mas masaya siya.

Masakit.
Ngunit tumawa na lang ako.

Bakit ba, Panginoon?
Bakit ako ganito magmahal?
Lagi na lang nasasaktan,
Lagi na lang namamatay,
At lagi na lang tinatago?

Bakit?

Nakikisama na lang ako sa kanya.
Nakiki-biro.
Nakikiride-on.
Nakiki-tawa...

Dahil ayoko siyang maging malungkot.

Nilalakasan ko ang mga tawa ko, ginagandahan ang mga biro, nilalakihan ang ngiti.

Ngunit ako'y lumuluha ng dugo sa likod ng shades ko.

Masakit.
Ngunit tumawa na lang ako...

At sumayaw.

Nilabas ko ang lahat ng sama nang loob sa pagsasayaw nung legacy.

Tuloy, para akong sinapian nang kung anong maligno -
Nagsasasayaw, nagtatatalon, nagsisisigaw na parang wala nang kinabukasan.

Wala na akong pakielam kung anong itsura ko.

Basta ilalabas ko itong lahat.

Walang pakielam, walang iniisip, walang pagod, walang humpay na pagsasayaw.

Sige lang nang sige.

Hanggang matapos ang gabi.

Ngunit, hindi pa rin nawawala ang sakit.

Kung tutuosin, nadagdagan pa.

Kasi...

Kahit gaano ang pagpapanggap ko, nakikita pa rin niya ako. Nahahalata pa rin niya ang nakabaon na kalungkutan ko. Pati nga ang Trios na-sense din ako.

Ano ba yan.
Delikado na 'to.

Gusto ko sanang lumayo nang unti-unti sa kanya, para hindi ko na siya maaapektohan ng aking negatibong enerhiya. Para tuluyan na siyang maging masaya. Para tuluyan na akong mamatay na hindi niya nahahalata.

Ngunit, siya naman ang lumalapit.

Sinusubukan niyang alamin kung bakit ako malungkot, kahit tinatakpan ko na ito nang mga tawa. Sinusubukan niyang damahin ang pagdurusa ko. Sinusubukan niyang malaman kung sino ang dahilan ng kalungkutan ko.

Paano ko naman sasabihin sa kanya?

Kung SIYA mismo ang dahilan?

Palalabuin ko nanaman ang malinaw na mundo niya.
Sisirain ko nanaman ang napakagandang kaligayahan niya.

Hindi ko 'yon magagawa.

Tatalon muna ako.

Kaya pinagpilitan ko pa rin sa kanya na masaya ako. Na wala lang 'yon. Na masaya ako para sa kanya. Para sa kanila. Para sa kanilang lahat. Nilunok ko na lamang ang mga luha't dugo ko.

Masakit.
Ngunit tumawa na lang ako.

Mas gugustuhin ko na ako na lamang ang magdusa kaysa siya.

Bakit?

Kasi ganun ako magmahal.

Wirdo ko, noh?